Jan. 18, 2018 •11:06 (Thoughts)

Ang weird lang kasi bakit ganito nararamdaman ko. May ka-chat ako dalawa sila, isang babae na kaibigan ko at isa ring lalaki na kaibigan ko. Nung nag-pop out yung profile icon ng kaibigan kong lalaki sa messenger, wala akong naramdamang excitement pero nung nag- pop out yung sa kaibigan kong babae, alam mo yung dibdib ko? Ang bilis ng tibok, ang weird ‘di ba? 

Advertisements

Untitled

Absent ako today, i don’t know— di ko lang feel tong araw na to. Yesterday kasi, may groupings kami. So limang members per group, mag rereport kami tungkol sa mga homo homo, etc. So kaming magkakaibigan at dahil absent yung dalawa naming kaibigan, si ‘ano’ na lang ang ka grupo namin pati yung kaklase kong lalaki na magkasundo kami puro kanta ng bts anyways, so di kami nakapagpresent sa time ni miss kasi naubos na yung oras, kaya magrereport na lang daw kami sa faculty. So uwian na, dederetso na kami sa faculty, naalala ko nga pala kagroup ko si ‘ano’ e di siyempre nagaantay na sa kanya yung jowa niya. Ewan ko bigla akong  nawala sa mood, tas nung naglalakad na kami papuntang faculty nanlalambot yung tuhod ko, literal na nanlalambot tangina lang. Sa isip isip ko, ‘Tangina ka self, bakit ganyan ka? Tanga ka! Umayos ka nga!’ Di ako naging kumportable sa lagay na to. Kaya nung magpepresent na kami wala akong ma-explain tungkol dun sa report namin. 

Nauna na kong naglakad nung natapos kami, tas sumabay sakin yung isa kong kaibigan. Tapos ang gaga, kumukanta kanta pa eh. Halatang para sakin yon kasi tumatawatawa pa. Parang natutuwa pa kasi magkakasama kami nila ‘ano’ 

Kailan ba ko makaka-move on?

No one should live in a closet…

Mahirap lumabas, matatanggap ba nila ako kapag lumabas na ako? Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa’kin? Ano na lang iisipin ng pamilya ko? Natitiyak kong ikakahiya nila ang mga katulad ko. Natatakot ako na kapag lumabas ako maraming magbabago. 

May nagsabi na, magbabago rin iyan. Sana nga, sana dumating na agad yung panahon na pwede pa kong magbago. Pwede bang bukas na agad iyong tamang panahon na ‘yon? Ang hirap magtago ng mahabang panahon, sarili ko ‘di ko maunawaan. Natatakot akong tanggapin ang sarili na ‘ganito’ ako. 

Kahit anong pilit kong pagpapanggap, nilalabanan lang ng nararamdaman ko. Iyong tipong iniisip mong naka-move on ka na pero sa puso mo ‘di mo pa kayang kalimutan siya. At naghahanap ka nang ibang paglilibangan pero, iyong dating ginagawa niyo ang nasa isip mo. 

Pero minsan dadating yung araw na may makakaalam at kailangan mo nang sabihin at aminin. Noong una, takot na takot ako. Iniisip ko kung ano magiging reaksyon nila, kung lalayuan ba nila ako kapag nalaman nila. Pero mali ako, tinanggap nila ako. 

Pinagkatiwalaan ko sila at ‘di nila ako binigo. Ang saya sa pakiramdam na may mga tao pa lang pwede mong sabihan. Nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Dapat pala noong una ko pa sinabi sa kanila, para hindi ko sinasarili amg nararamdaman ko. 

Pero hindi pa ako maaaring lumabas…

“Bakit siya pa, bakit sa kaibigan ko pa.”

       06 | 28 |17

“Unang kita ko sa’yo, una ko agad napansin ang iyong mga mata. Ilong mong matangos at ang nakaladlad mong kulot na buhok. Andoon ka non sa unang row ng upuan, nilagpasan kita at pumunta sa ikatlong row at doon naupo. Nakatalikod ka sa akin kaya pagkakataon ko ng titigan kang mabuti kahit iyong likod lamang aking napapansin.”

“Nagitla ako nang bigla kang lumingon sa direksyon ko. ‘Di ko pinahalata pero matindi naman ang nangyaring kaba ang bumalot sa’king dibdib. Gusto kong iwasan ang tingin mong iyon pero ayaw ng mata kong alisin iyon sa magandang tanawin. Sa halip ay nagbigayan tayo ng matatamis na ngiti sa isa’t isa. Ibubuka ko na sana aking bibig at magsasalita ngunit muli kang tumalikod sakin.”

“Tinitigan ko lang ang likod mo hanggang sa pangalawang pagkakataon ay lumingon ka sa akin, at parang kusang gumalaw yung kamay ko na inaaktong dito ka na tumabi nong una ay parang nag-alangan ka pa pero ‘di ko inaasahang tatayo ka mula sa kinauupuan mo at yakap yakap mong bitbit papunta sa tabi ko ang iyong kulay flesh mong backpack.”

“At doon na nag-simula ang ating magkakaibigan at doon na rin nagumpisa ang pagkagusto ko sa’yo.”

| 4 months later |

“Naging malapit sa isa’t isa, tunay na kaibigan ako para sa kanya. Ngunit hindi niya alam minamahal ko na siya. Pero noong umpisa, alam kong may nagmamayari na ng puso niya. Ako lang itong tanga, bakit umaasa sa wala. Sa kanya ay walang ibig sabihin mga aking ginagawa, pero sa’kin malaki epekto ang nagagawa.”

“Di mo alam kung gaano ako nagseselos sa tuwing kasama ko kayo ng boyfriend mo. Biruin mo, halos araw araw tayong magkakasama. Isipin mo na lang kung ano mararamdaman ko sa loob mg apat na buwan tayong magkakasama. Mabuti na lang at hindi natin siya kaklase. Pero tuwing gala natin, oo nakikita mo kong masaya. Pero nakikita mo rin ba sa mata ko ang paghihinagpis? Sa katunayan magaling ako magtago ng nararamdaman. Pero bakit sa sitwasyong ‘to, hindi ko kinaya. Naging tahimik ako pansamantala, naguguluhan sa aking sarili, umiiyak tuwing gabi, di nakakatulog kakaisip.”

“Dumating na yung araw na ikaw na yung naging cold sa akin. Tatanungin sana kita kung may problema kayo ng syota mo. Pero buti na lang at marunong ako kumontrol. Pinilit kong balewalain iyon pero ako’y binabagabag ng aking konsensya.”

“Lumipas ang araw, di pa rin nagbabago ang malamig na pakikitungo natin sa isa’t isa. Hanggang sa nalaman kong nagtatampo ka dahil hindi ko sinasabi problema ko sayo. Nagtampo ka dahil, parang pakiramdam mo hindi ka naging mabuting kaibigan, dahil sa di ko pag sabi ng problema ko sa’yo. Nagtampo ka dahil kala mo, di na kita pinagkatiwalaan. Naintindihan kita, pero di ko kasi kayang sabihin sayo. Hindi sa, hindi kita pinagkakatiwalaan, natatakot ako. Napapansin na rin ng mga kaibigan natin ang hindi pagpapansinan. Kinausap ako ng isa nating kaibigan at sinabi ko sa kanya ang problema ko.”

Shet wag mo kong ijajudge ha. May gusto ako sa kanya, dati pa. Tangina lang, nagseselos ako sa kanila ng jowa niya araw araw. Sobrang sakit non. Kaya eto umiiwas muna ako sa kanila. Kailangan kong magmove on😂

Umiibig

Tahimik ang paligid

Nakamasid sa gilid

Tulalang nakangiti

Sa kawalan nakatingin

Magandang pangitain,

Ang nakatingin sa akin

Lumakad sa kanyang tabi

At hinalikan ang kanyang labi

Masarap isipin

Ng dahil sa akin

Tabi ko ay ‘di lilisanin

Buong araw kapiling

Hanggang sa pagtulog ikaw ang iniisip

Ayaw umalis sa aking tabi

Upang makasama ngayong gabi

Nakangiti gumising, 

Dahil ikaw ang aking katabi

Best Friend nga ba “Stitch”?

Best friend? Kaibigan, mapagkakatiwalaan, masayang kasama at kasama sa mga kalokohan. Pero hindi ko siya kayang matawag na MATALIK NA KAIBIGAN.

Bakit?

Una sa lahat, Meron siyang mas close na kaibigan. Itago natin sa pangalan na “Patpat” Lagi niya kasama, sa galaan, basta kahit saan. Kaibigan ko rin naman si “Patpat” Pero isang araw ng away sila. So ilang araw sila hindi nag-pansinan, so dahil KAIBIGAN ko nga si STITCH (kung naaalala ninyo) sinamahan ko siya sa gala, tapos tuwing hapon humihiwalay na ko sa iba kong kaibigan na lagi kong kasama tuwing uwian tapos minsan tinatanong nila ko bakit daw hindi na ko sumasabay sa kanila.

At noong nakaraang linggo, nagkabati na sila. So back to normal, mag kasabay na uli sila at ang masaklap ako na lang iyong umuuwi mag-isa. Ang sakit nun para sakin, parang ginamit niya ako dahil wala siyang makakasabay pauwi, mag-isa siyang maglalakad. Pero samantala ako tiniis ko gumastos para lang sabayan siya tuwing gala, iyong ipon ko ginagasta ko.

Naiinis ako, para bang “REBOUND” Yung andyan ako para sa kanya tuwing may kailangan siya! Samantala pag ako na iyong may kailangan, WALA!

Naiinis ako sa kanya. Buti na lang at may iba pa kong kaibigan sila flattops at hany.

Iyan ang dahilan kung bakit di ko siya matawag na BEST FRIEND! At NEVER.

Bad influence

Akala nila, good girl ako dahil noon tahimik ako at hindi talaga pala-salita. Grade 9, saka lang nila nalaman ang tunay kong ugali. Ako ay isang naging madaldal, maingay, tumatawa tuwing may nagka-klase at muntikan ng mapalabas dahil doon. Ngayon 4th year na ako, once I called “B.I” by my Best Friend. Kasi minsan sabi ko a-absent ako bukas kasi tinatamad ako. But the truth is, may problema ako personally na ayaw kong sabihin sa kanila dahil baka may mag-bago. Minsan niyayaya ko sila mag-gala tapos uuwi ng medyo gabi, Bad influence agad?